Subaybayan ang progreso ng LA
Sunog sa Los Angeles Ngayong 2025

Ang muling pagbangon ng LA ay ang pangunahing priyoridad ni Gobernador Newsom. Tingnan sa website ng Gobernador ang lahat ng aksyon ng estado para suportahan ang muling pagbangon at muling pagpapatayo.

Tumulong ang mga tao

Tumutulong sa personal ang mga lokal, pang-estado, at pederal na gobyerno sa mga disaster recovery center.

Sa mga disaster recovery center

(na) pagbisita

Iniulat ng Federal Emergency Management Agency

Sa pamamagitan ng tulong ng FEMA

taong tumulong
$M ang nagpamahagi sa mga indibidwal

Iniulat ng Federal Emergency Management Agency

Muling nagbukas ang mga paaralan

Maraming pampublikong paaralan na tumatakbo sa mga apektadong lugar ng sunog ang nasira o nawasak. Nakipag-ugnayan ang pederal, estado, at lokal na pamahalaan upang matulungan ang mga paaralan na muling ipagpatuloy ang pagtuturo para sa mga mag-aaral.

Mga napinsala o nasirang pampublikong paaralan

sa 8
ang nakapagturong muli

Pagtuturo sa personal:

Iniulat sa Task Force sa Mga Paaralan

Pag-aaring nalinis

May 2 phase ang paglilinis:

  • Phase 1: Lilinisin ng U.S. Environmental Protection Agency ang mapanganib na kalat sa bahay
  • Phase 2: Lilinisin ng U.S. Army Corps of Engineers ang mga guho ng gusali

Phase 1 Paglilinis ng mapanganib na kalat sa bahay

Progress ng paglilinis ng mapanganib na kalat sa bahay

Tapos na ang Phase 1
100%
parcel ang natapos na
Mga tala sa data
  • Para sa detalyadong buod ng progress ng Phase 1, tingnan ang dashboard ng progress ng U.S. Environmental Protection Agency.
  • Ang ibig sabihin ng tapos na ay nakumpleto nang alisin ng staff ang mapanganib na kalat, may nakita silang hindi ligtas na mga guho ng gusali na nangangailangan ng Phase 2 ng paglilinis, o posibleng hindi sila makapasok sa pag-aari.
  • Lilinisin ng U.S. Army Corps of Engineers ang anumang hindi ligtas na pag-aari sa phase 2.

Iniulat ng U.S. Environmental Protection Agency

Phase 2 Pag-aalis ng mga guho ng gusali

Mga form ng Karapatang Pumasok

9,417 Isinumite ang mga form ng Karapatang Pumasok sa County ng LA
Mag-opt in:
Mag-opt out:

Iniulat ng County ng LA

Progress ng pag-aalis ng mga guho ng gusali

parcel ang natanggap para sa Phase 2 ng pag-aalis ng kalat
Phase 2 progress 0%
parcel ang natapos na
Mga tala sa data
  • Para sa detalyadong buod ng proseso at kasalukuyang status ng Phase 2, tingnan ang dashboard ng progress ng U.S. Army Corps of Engineers.
  • Dapat magsumite ang mga may-ari ng pag-aari ng mga form sa pag-opt in sa Karapatang Pumasok para matapos ng U.S. Army Corps of Engineers ang Phase 2. Dapat sagutin ng mga may-ari ng pag-aari na mag-o-opt out sa prosesong ito ang mga gastusin at trabaho sa pag-aalis ng kalat.
  • Sinusukat ng progress bar ang bilang ng mga parcel na natapos na sa Phase 2 kumpara sa tinatayang kabuuang bilang ng mga kwalipikadong parcel.
  • Ang ibig sabihin ng tapos na ay naalis na ang mga guho ng gusali sa pag-aari at naibalik na sa may-ari ang parcel.

Iniulat ng U.S. Army Corps of Engineers

Naibalik na tubig

Inaayos ng California State Water Resources Control Board ang mga lokal na water system na naapektuhan ng sunog para i-restore ang ligtas na maiinom na tubig para sa mga residente.

Status ng mga water system

system na ligtas inumin
system na inaayos

Iniulat ng State Water Resources Control Board

Kalidad ng hangin

Nagtutulungan ang South Coast Air Quality Management District at California Air Resources Board para suriin ang kalidad ng hangin sa iyong lugar.

May dalawang stage ang pag-monitor: mga mobile na pag-monitor at pagsusuri, at stationary na pag-monitor.

  • Stage 1 - Mga mobile na pag-monitor at pagsusuri: Apat na mobile na pagsusuri ang natapos na, dalawa para sa lugar ng sunog sa Eaton at dalawa para sa lugar ng sunog sa Palisades. Kumukuha ng snapshot ang mga mobile na pagsusuri kapag mayroong mga air toxic metal at volatile organic compound (VOC). Ginamit ang data para makatulong na tukuyin ang mga lokasyon para sa mga stationary na pag-monitor sa hangin. Hindi ginagamit ang mga ito para magtatag ng mga panganib sa kalusugan.
  • Stage 2 - Mga stationary na pag-monitor sa kalidad ng hangin: Sinusukat sa mga ito ang mga pollutant sa hangin. Kasama rito ang mga particulate (PM2.5 at PM10), lead, arsenic, iba pang toxic metal, at asbestos.

Mobile na pag-monitor sa hangin

Tapos na ang mobile na pag-monitor sa hangin.

mobile na pagsusuri, dalawa sa bawat lugar ng sunog, ang isinagawa.

Mga resulta

Sa pangkalahatan, pasok sa mga background level ang mga resulta ng pagsusuri mula sa mga lugar sa Eaton at Palisades, nang may ilang mas mataas na level ng lead, arsenic, chromium, at nickel.

Iniulat ng South Coast Air Quality Management District
Data as of 4/9/2025 at 5:00 PM

Stationary na pag-monitor sa hangin

site ng stationary na pag-monitor sa kalidad ng hangin ang na-deploy para sa mga lugar sa Eaton at Palisades

Mga resulta ng data sa Eaton

  • Habang sinusuri pa ang ilang sample, patuloy na ipinapakita ng pagsusuri ang mga antas na hindi nagdudulot ng agarang panganib sa kalusugan ng publiko. Hinihikayat ang mga residente na magpatuloy sa pagsunod sa mga pag-iingat sa kaligtasan na binalangkas ng Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng Los Angeles County.
  • Mga sample mula 3/20/25, 3/23/25, at 3/26/25 malapit sa Altadena Golf Course at sa Christ the Shepherd Lutheran Church at Fire Station 11:
    • Pasok sa mga background level ang lahat ng air toxic metal. Walang na-detect na asbestos.
    • Sa ngayon, mas mababa sa mga pederal na pamantayan ang tuloy-tuloy at oras-oras na data sa PM10 at PM2.5.

Mga resulta ng data sa Palisades

  • Habang sinusuri pa ang ilang sample, patuloy na ipinapakita ng pagsusuri ang mga antas na hindi nagdudulot ng agarang panganib sa kalusugan ng publiko. Hinihikayat ang mga residente na magpatuloy sa pagsunod sa mga pag-iingat sa kaligtasan na binalangkas ng Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng Los Angeles County.
  • Mga sample mula 3/20/25, 3/23/25, at 3/26/25 malapit sa Will Rogers State Beach at sa Fire Station 69:
    • Higit sa mga background level ang ilang air toxic metal, pero wala itong agarang panganib sa kalusugan. Na-detect ang asbestos noong 3/26/25 sa Fire Station 69.
    • Sa ngayon, mas mababa sa mga pederal na pamantayan ang tuloy-tuloy at oras-oras na data sa PM10 at PM2.5.

Iniulat ng South Coast Air Quality Management District
Data as of 4/9/2025 at 5:00 PM

Makikita sa page ng Pagtugon sa Wildfire Ngayong 2025 ng South Coast Air Quality Management District ang lahat ng resulta mula sa mga stationary na site.