Makakuha ng tulong sa online
Sunog sa Los Angeles Ngayong 2025
Puwede kang makakuha ng tulong sa online para sa pagkain, mga gastusin, shelter, at higit pa.
Finder ng mga serbisyo sa muling pagbangon
Hindi sigurado kung saan magsisimula? Sagutin ang ilang tanong. Makakakuha ka ng listahan ng mga serbisyo para lang sa iyo.
Kung gusto mong malaman ang lahat ng tulong na available para sa iyong sitwasyon, bisitahin ang LA Disaster Relief Navigator.
Shelter
Ang mga emergency shelter para sa mga sunog sa LA ay sarado na ngayon.
Kasama sa tulong sa kalamidad ng FEMA ang suporta para sa pansamantalang pabahay. Ang huling araw ng pag-apply ay sa Marso 31, 2025. Pero maaari kang magsumite ng late na aplikasyon 60 araw pagkatapos ng deadline. Pumunta sa DisasterAssistance.gov para mag-apply o tingnan ang status ng iyong aplikasyon.
Kung tatanggihan ng FEMA ang iyong aplikasyon, mayroon kang 60 araw para apelahin ang desisyon ng FEMA.
Pagkain
WIC
Nagbibigay ang WIC ng mga benepisyo sa pagkain para sa mga inang mababa ang kita.
CalFresh
Mag-sign up para sa mga benepisyo sa pagkain ng CalFresh >.
Mga food bank
Maghanap ng mga food bank na malapit sa iyo.
Tulong para sa iyong mga alagang hayop
Makakapagbigay kami ng tulong kung ikaw ay
- nawalan o namatayan ng alagang hayop
- nangailangang iwanan ang isang alagang hayop
- nangangailangan ng shelter para sa iyong alagang hayop
Bisitahin ang California Animal Response Emergency Support.
Kalusugan ng pag-iisip
Pagpapayo sa panahon ng krisis
Available sa online o sa personal
Mga resource para sa kalusugan ng pag-iisip para sa kabataan
ng California Health and Human Services Agency (CalHHS)
Relief sa wildfire
mula sa Didi Hirsch Suicide Prevention Center
Mga resource sa kalusugan ng pag-iisip sa panahon ng sakuna
mula sa Los Angeles County Department of Mental Health
Mga wildfire at kalusugan ng pag-iisip
mula sa California Department of Public Health (CDPH)
Pagpapapalit ng iyong mga personal na dokumento
Mga ID
- Social Security card
- Pasaporte sa U.S.
- ID ng militar o beterano
-
Lisensya sa pagmamaneho o ID card sa California
Walang bayarin para magpapalit ng mga card na natupok sa apoy. Puwede ka ring tumawag sa
- 1-800-777-0133
- O sa TTY 1-800-735-2929 o 1-800-368-4327 para sa mga may problema sa pandinig o pagsasalita.
Mga titulo
-
Mga titulo ng sasakyan
Walang bayarin para magpapalit ng mga titulo na natupok sa apoy. Puwede ka ring tumawag sa:
- 1-800-777-0133
- O sa TTY 1-800-735-2929 o 1-800-368-4327 para sa mga may problema sa pandinig o pagsasalita.
Mga certificate ng kapanganakan, kasal, at pagkamatay
Tingnan kung paano mag-order ng mga pamalit.
Makakuha ng mga kopya ng mahahalagang recordTrabaho
Humingi ng tulong sa California Employment Development Department
Pabahay, mga pag-aayos, at legal na tulong
Tulong sa sakuna mula sa FEMA
Kasama sa tulong sa kalamidad ng FEMA ang mga pondo para sa pabahay at pagkukumpuni. Ang huling araw ng pag-apply ay sa Marso 31, 2025. Pero maaari kang magsumite ng late na aplikasyon 60 araw pagkatapos ng deadline. Pumunta sa DisasterAssistance.gov para mag-apply o tingnan ang status ng iyong aplikasyon.
Kung tatanggihan ng FEMA ang iyong aplikasyon, mayroon kang 60 araw para apelahin ang desisyon ng FEMA.
Alamin pa sa page na Sunog sa LA ng FEMA o tingnan ang mga update sa balita ng FEMA.
Relief sa mortgage
Makakuha ng relief sa mortgage para sa mga istrakturang nasira o natupok ng apoy sa LA. Nakipagtulungan ang estado sa malalaking lender para maibigay ang relief na ito. Mahigit 400 lender ang nangakong:
- Babawasan o ihihinto ang mga pagbabayad ng mortgage nang 90 araw
- Iwe-waive ang mga bayarin para sa nahuli (late) nang 90 araw
- Poprotektahan ang mga may-ari mula sa mga panibagong foreclosure o pagpapaalis nang 60 araw
- Hindi mag-uulat ng mga nahuling pagbabayad sa mga credit agency
Dapat kang makipag-ugnayan sa iyong mortgage lender para makakuha ng relief. Hindi ito awtomatikong nangyayari.
Bisitahin ang Mga resource para sa relief sa mortgage para sa listahan ng mga kalahok na lender at higit pa.
Proteksyon sa foreclosure
Itinigil ng U.S. Department of Housing and Urban Development (HUD) ang mga foreclosure para sa mga apektado ng sunog. Para maging kwalipikado, ang iyong mortgage ay dapat na:
- Para sa isang pamilya, at
- Insured ng Federal Housing Administration (FHA).
Kung nahaharap ka sa foreclosure, makipag-ugnayan sa iyong kumpanya ng mortgage. Maaari mo ring tawagan ang FHA Resource Center sa (800) CALL-FHA.
Proteksyon para sa umuupa
Proteksyon laban sa pagpapaalis
Ipinagbawal ng Lupon ng Mga Superbisor ng County ng LA ang pagpapaalis sa mga nangungupahan na kwalipikado. Aabot nang hanggang Hulyo 31, 2025 ang proteksyong ito. Tingnan ang Mga FAQ tungkol sa resolusyong ito (PDF).
Pinoprotektahan ng Lungsod ng Los Angeles ang mga kwalipikadong nangungupahan laban sa pagpapaalis. Aabot nang hanggang Hulyo 31, 2025 ang proteksyon. Kwalipikado ka kung nawalan ka ng mga kita dahil:
- Nasira ng mga wildfire ang iyong lugar ng trabaho o hindi na ito magagamit dahil dito, o
- Tinanggal ka ng iyong employer o binawasan niya ang iyong mga oras ng trabaho, o
- Ang iyong mga kliyente ay nasa mga lokasyon na pinangyarihan ng mga wildfire, kaya nawalan ka ng kita.
Ang mga nangungupahan ay pinoprotektahan din laban sa mga pagpapaalis para sa mga renobasyon hanggang sa petsang ito.
Kung nangangailangan ka ng proteksyon laban sa pagpapaalis sa Lungsod o County ng Los Angeles, dapat mong abisuhan ang iyong landlord. Magpadala ng Abiso sa Landlord Tungkol sa Kawalan ng Kakayahang Magbayad ng Upa (PDF).
Libreng pamamagitan
Nagbibigay ng mga libreng serbisyo sa pamamagitan ang Department of Consumer and Business Affairs (DCBA). Tinutulungan nito ang mga nangungupahan at landlord na mapagkasunduan ang isang plano sa pagbabayad. Tumawag sa (800) 593-8222 para alamin pa.
Tulong para sa mga imigrante
Gabay sa Tulong sa Sakuna para sa Mga Imigrante
Puwede mong makuha ang gabay sa 5 wika
- English
- Spanish
- Simplified Chinese
- Traditional Chinese
- Armenian
Tulong sa mga loan ng estudyante
mula sa Department of Financial Protection and Innovation (DFPI)
Kung naapektuhan ka ng sunog at mayroon kang mga loan ng estudyante, posibleng kwalipikado ka para sa relief.
Tingnan ang FAQ Tungkol sa Relief sa Loan ng Estudyante.
Pag-iwas sa pagtataas ng presyo
Mga proteksyon para sa consumer laban sa pagtataas ng presyo
mula sa Office of the Attorney General
Tungkol sa pagtataas ng presyo
mula sa County ng Los Angeles
Form ng reklamo kaugnay ng proteksyon para sa consumer
mula sa County ng Los Angeles
Form ng reklamo kaugnay ng pagtataas ng presyo
mula sa Lungsod ng Los Angeles
Higit pang resource ng county
Nakalista sa LA County Recovers ang tulong mula sa maraming ahensya sa county. Kabilang dito ang tulong para sa
- Matatanda
- Mga may kapansanan
- Mga hayop
- Mga bata
- Kalusugan ng pag-iisip
- At marami pa
Nakasulat sa English at Spanish ang impormasyon.
Nagbibigay ang The Salvation Army ng mga serbisyo para sa sakuna sa mga naapektuhan ng sunog. Bisitahin ang kanilang page na Mga Serbisyo para sa Sakuna o tumawag sa (800) 725-9005.