Finder ng mga serbisyo sa muling pagbangon
Ang iyong mga naka-customize na plano ng mga serbisyo

Bumalik sa Tulong para sa iyo

Narito ang mga serbisyong nakakatugon sa iyong mga pangangailangan. Nagbibigay kami ng mga direktang link o impormasyon sa kung paano makukuha ang mga serbisyong ito.

Gumawa ng bagong plano

Mahalagang tulong para sa mga indibidwal

Pabahay

Relief sa mortgage

California Department of Financial Protection & Innovation

Makakuha ng relief sa mortgage para sa mga istrakturang nasira o natupok ng sunog sa LA. Pansamantalang bawasan o ihinto ang mga pagbabayad ng mortgage, i-waive ang mga fee para sa nahuling pagbabayad, at iba pa.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Pansamantalang pabahay

Federal Emergency Management Agency

Ang huling araw ng pag-apply para sa tulong sa pabahay ng FEMA ay noong Marso 31, 2025. Maaari kang mag-sign in sa DisasterAssistance.gov upang suriin ang katayuan ng iyong aplikasyon. Puwedeng kasama sa tulong sa pabahay ng FEMA ang tulong sa upa at reimbursement para sa panunuluyan sa hotel o iba pang panandaliang matutuluyan.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Pagkain

Mga benepisyo sa pagkain ng WIC para sa mga babae at bata

California Department of Public Health

Makatanggap ng mga buwanang benepisyo mula sa California Women, Infants and Children (WIC) program. Gamitin ang mga benepisyong ito para bumili ng pagkain para sa iyo at sa iyong mga anak. Puwede ka ring makatanggap ng suporta sa nutrisyon at pagpapasuso.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Mga benepisyo sa pagkain ng CalFresh

California Department of Social Services

Matutulungan ng CalFresh ang iyong pamilya na makakain ng masustansyang pagkain. Puwede mong gamitin ang mga buwanang benepisyo ng CalFresh sa karamihan ng mga grocery store at kahit na sa mga palengke.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Mga food bank at food pantry

California Department of Social Services

Maghanap ng mga lokasyong malapit sa iyo kung saan puwede kang makakuha ng libreng pagkain at mga grocery.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Mga alagang hayop

Tulong sa alagang hayop

California Department of Food and Agriculture

Humingi ng tulong kung nawalan ka ng alagang hayop, kinailangan mong iwan ang alagang hayop, o kailangan mo ng shelter para sa iyong alagang hayop.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Kalusugan

Mga resource sa kalusugan ng pag-iisip

California Department of Public Health

Maghanap ng mga resource at tip para pangalagaan ang iyong kalusugan ng pag-iisip pagkatapos ng wildfire.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Pagpapayo sa panahon ng krisis

California Department of Social Services

Kontakin ang mga hotline sa panahon ng krisis para makakuha kaagad ng suporta sa kalusugan ng pag-iisip.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Mga resource sa kalusugan ng pag-iisip para sa kabataan

California Health and Human Services Agency

Maghanap ng mga digital na programa at suporta sa kalusugan ng pag-iisip para sa kabataan, mga young adult, at mga pamilya.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Pag-monitor sa kalidad ng hangin

South Coast Air Quality Monitoring District

Suriin ang kalidad ng hangin sa inyo sa pamamagitan ng South Coast Air Quality Monitoring District.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Tulong sa inireresetang gamot

U.S. Department of Health and Human Services

Makuha ang mga resetang kailangan mo sa pamamagitan ng Emergency Prescription Assistance Program.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Tulong sa indibidwal

Pamamahala ng kaso sa sakuna

California Department of Social Services

Makipagtulungan sa tagapamahala ng kaso mula sa Catholic Charities of California na puwedeng gumabay sa iyo sa proseso ng muling pagbangon.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Tulong para sa mga imigrante

California Department of Social Services

Maghanap ng impormasyon at mga gabay sa tulong sa sakuna para sa mga imigranteng Californian. Available sa Spanish, simplified Chinese, traditional Chinese, at Armenian.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Mga grant ng estado sa panahon ng sakuna

California Department of Social Services

Kung natanggap mo na ang maximum na halaga ng tulong sa sakuna ng FEMA, puwede kang maging kwalipikado para sa grant mula sa State Supplemental Grant Program (SSGP) ng California. Awtomatikong mag-a-apply ang FEMA sa ngalan mo. Hindi mo kailangang mag-apply nang direkta para sa mga grant ng estado sa panahon ng sakuna na ito.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Tulong para sa mga beterano

California Department of Veterans Affairs

Maghanap ng impormasyon at mga resource ng CalVet para sa mga beterano at kanilang mga pamilyang naapektuhan ng wildfire sa Los Angeles.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Impormasyon sa kaligtasan para sa mga manggagawang maglilinis pagkatapos ng sunog

California Labor & Workforce Development Agency

Kung nagtatrabaho ka sa paglilinis pagkatapos ng sunog o pag-aalis ng kalat, matuto tungkol sa pangkaligtasang kasuotan at mga proteksyon ng empleyado.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Tulong sa sakuna mula sa FEMA

Federal Emergency Management Agency

Ang huling araw ng pag-apply para sa tulong sa sakuna ng FEMA ay noong Marso 31, 2025. Maaari kang mag-sign in sa DisasterAssistance.gov upang suriin ang katayuan ng iyong aplikasyon. Makakatulong ang FEMA sa mga pagkawalang hindi saklaw ng insurance — kasama ang pansamantalang pabahay, mga pag-aayos, at muling pagpapatayo.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Mga personal na dokumento

Mga dokumento ng ipinatayo at mobile na bahay

California Department of Housing and Community Development

Magpapalit ng mga dokumento sa pagpaparehistro at pagtititulo ng ipinatayo at mobile na bahay. Posibleng i-waive ang mga fee para sa mga dokumentong natupok ng sunog.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Mga pagbabago sa address

California Department of Motor Vehicles

Maghain ng pagbabago sa address.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Mga placard ng disabled parking

California Department of Motor Vehicles

Magpapalit ng Placard ng Disabled Person Parking.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Lisensya sa pagmamaneho o mga ID card

California Department of Motor Vehicles

Magpapalit ng mga lisensya sa pagmamaneho o ID ng California. Iwe-waive ang mga fee para sa mga lisensya o ID na natupok ng sunog.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Mga plaka ng lisensya at sticker ng pagpaparehistro

California Department of Motor Vehicles

Magpapalit ng mga plaka ng lisensya at sticker ng pagpaparehistro.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Mga record ng sasakyan o driver

California Department of Motor Vehicles

Magpapalit ng mga record ng sasakyan o driver.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Mga titulo ng sasakyan

California Department of Motor Vehicles

Magpapalit ng mga titulo para sa mga sasakyang nakarehistro sa California. Iwe-waive ang mga fee para sa mga titulong natupok ng sunog.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Mga record ng kapanganakan, pagkamatay, at kasal

California Department of Public Health

Alamin kung paano makakuha ng mga kapalit ng mahahalagang rekord na ito. Ang mga kapalit ay libre, pero kailangan mong pumunta nang personal sa isang notaryo at magbayad para sa notaryo. Maghanap ng form sa Ingles at Spanish.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Mga record ng serbisyo sa militar

California Department of Veterans Affairs

Alamin kung paano magpapalit ng mga record ng serbisyo (DD 214), award, at medalya.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Pagsisimula ng muling pagbangon para sa mga indibidwal

Insurance

Tulong sa mga claim sa insurance

California Department of Insurance

Humingi ng tulong sa paghahain ng claim sa insurance o paglutas ng problema sa claim na na-file mo na.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Mga proteksyon ng insurance

California Department of Insurance

Matuto tungkol sa batas ng estado na pumipigil sa mga kumpanya ng insurance na kanselahin o hindi i-renew ang mga policy ng insurance sa tahanan sa loob ng isang taon pagkatapos ng isang wildfire. At alamin kung protektado ang iyong zip code.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Mga tip at resource sa insurance

California Department of Insurance

Maghanap ng mga tip at resource para matulungan ka sa mga claim at problema sa insurance.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Mga claim sa insurance ng tahanan ng CalVet

California Department of Veterans Affairs

Kung mayroon kang insurance ng tahanan ng CalVet, alamin kung paano maghain ng claim.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Muling pagpapatayo

Paghahanap ng lisensyadong contractor

California Contractors State Licensing Board

Madalas na nambibiktima ng mga nakaligtas sa mga sakuna ang mga hindi lisensyadong contractor. Para maprotektahan ang iyong sarili, maghanap ng lisensyadong contractor na malapit sa iyo.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Tool sa pagsusuri sa mga propesyonal na lisensya

California Department of Consumer Affairs

I-verify ang propesyonal na lisensya ng contractor. Nakalista sa bawat record ang status ng lisensya bilang nag-expire na, sinuspinde, o pinawalang bisa.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Mga proteksyon ng consumer

California Public Utilities Commission

Matuto tungkol sa mga proteksyon ng relief sa sakuna para makatulong sa iyong mga bayarin sa kuryente, natural gas, tubig, telepono, at mobile phone.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Libreng pag-aalis ng kalat

County ng Los Angeles

Ang huling araw para mag-opt in para sa libreng pag-aalis ng kalat ay noong Abril 15, 2025. Kung mayroon kang mga katanungan tungkol sa pag-aalis ng kalat, tumawag sa LA County Public Works Debris Removal Hotline sa 844-347-3332 (TTY: 711).

Paano makukuha ang serbisyong ito

Pagpasok sa iyong property

Estado ng California

Narito ang kailangan mong malaman bago ka bumalik sa iyong tahanan.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Mga hakbang sa muling pagpapatayo

Estado ng California

Tingnan ang mga pangunahing hakbang na dapat isagawa kapag muling ipapatayo ang iyong tahanan. Kasama rito ang mga claim sa insurance, permit, at iba pa.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Pag-aalis ng puno

U.S. Army Corps of Engineers

Sa pag-aalis ng kalat, aalisin ng Army Corps ang mga puno na mapanganib. Pero maaari kang magsumite ng waiver para hilingin sa kanila na huwag alisin ang mga partikular na puno sa iyong ari-arian.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Mga loan sa sakuna para sa mga may-ari ng tahanan at nangungupahan

U.S. Small Business Administration

Ang huling araw ng pag-apply para sa mga loan na ito ay noong Marso 31, 2025. Maaari kang mag-sign in sa lending.sba.gov para malaman ang status ng iyong aplikasyon. Maaari mong gamitin ang mga loan na ito para ipaayos ang iyong tahanan o magpalit ng personal na pag-aari na natupok ng sunog.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Trabaho

System sa paghahanap ng trabaho ng CalJOBS

California Employment Development Department

Mag-apply para sa bagong trabaho sa CalJOBS, ang online na system ng job exchange ng California.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Mga benepisyo sa pagkakaroon ng kapansanan

California Employment Development Department

Kung may sakit o na-injure ka dahil sa sunog, mag-apply para sa mga benepisyo sa pagkakaroon ng kapansanan.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Mga resource sa paghahanap ng trabaho

California Employment Development Department

Maghanap ng mga tool sa paghahanap ng trabaho tulad ng CalJOBS at iba pang resource para matulungan kang maghanap ng trabaho.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Pagsasanay sa trabaho

California Employment Development Department

Pangkalahatang suporta, mga referral, at pagsasanay para makahanap ng bagong trabaho sa California.

Paano makukuha ang serbisyong ito

May Bayad na Leave para sa Pamilya

California Employment Development Department

Kung kailangan mong magbakasyon sa trabaho para maalagaan ang iyong pamilya, mag-apply para sa May Bayad na Leave para sa Pamilya.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Mga benepisyo sa kawalan ng trabaho

California Employment Development Department

Kung nawalan ka ng trabaho, mag-apply para sa mga benepisyo sa kawalan ng trabaho.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Tulong at relief sa buwis

Palugit sa buwis sa kita

California Franchise Tax Board

Matuto tungkol sa pinahabang deadline para maghain at magbayad ng buwis sa kita sa County ng Los Angeles. Ang bagong deadline ay Oktubre 15, 2025.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Mga dokumento at impormasyon ng personal na buwis sa kita

California Franchise Tax Board

Magpapalit ng mga dokumento ng personal na buwis. Maghain ng malalaking pagbabago sa impormasyon tulad ng pagbabago sa address at power of attorney.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Palugit sa buwis sa pag-aari

Tanggapan ng Gobernador ng California

Matuto tungkol sa pinahabang deadline para maghain at magbayad ng mga buwis sa pag-aari. Pinahaba rin ang deadline ng buwis sa pag-aari ng estado. Ang bagong deadline ay Abril 10, 2026. Para sa mga naapektuhan ng sunog sa LA, sinuspinde ni Gobernador Newsom ang mga parusa at interes sa mga nahuling pagbabayad ng buwis sa pag-aari.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Relief sa buwis sa pag-aari

California State Board of Equalization

Makatanggap ng relief sa buwis sa pag-aari kung nasira o natupok ang iyong tahanan.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Tulong sa negosyo

Suporta

Mga resource sa muling pagbangon ng negosyo

California Office of the Small Business Advocate

Maghanap ng mga resource at suporta para sa mga negosyo at manggagawa na naapektuhan ng wildfire. Kabilang dito ang pinansyal na tulong, mga programa sa muling pagbangon, at suporta sa workforce.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Mga batas sa kaligtasan ng manggagawa sa paglilinis at muling pagpapatayo

Department of Industrial Relations

Kung nagmamay-ari ka ng paglilinis, pag-aalis ng kalat, o muling pagtatayo ng negosyo, alamin ang tungkol sa mga batas at regulasyon sa kaligtasan ng manggagawa. Alamin kung paano protektahan ang iyong mga empleyado at panatilihing ligtas ang iyong lugar na pinagtatrabahuan.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Libreng pag-aalis ng kalat para sa ilang komersyal na ari-arian

U.S. Army Corps of Engineers

Mag-opt in bago ang Abril 15, 2025, upang malaman kung kwalipikado ang iyong negosyo para sa libreng pag-aalis ng kalat ng gobyerno.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Mga loan para sa mga negosyo sa panahon ng sakuna

U.S. Small Business Administration

Ang huling araw ng pag-apply para sa mga loan para ipaayos ang pisikal na pinsala sa iyong negosyo ay sa Marso 31, 2025. Maaari ka pa ring mag-apply ng loan sa Oktubre 25, 2025, para masaklaw ang mga pinansyal na nawala.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Tulong at relief sa buwis

Palugit at relief sa use tax o fee ng negosyo

California Department of Tax and Fee Administration

Makatanggap ng relief sa mga parusa, mga gastos sa pangongolekta, at interes. Puwede ka ring makatanggap ng hanggang 3 buwang palugit sa paghahain sa iyong mga tax return.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Palugit sa buwis at pag-uulat sa payroll ng employer

California Employment Development Department

Makatanggap ng palugit na hanggang dalawang buwan para maghain ng mga ulat sa payroll ng estado at ideposito ang mga buwis sa payroll ng estado nang walang parusa o interes.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Palugit sa buwis sa kita ng negosyo

California Franchise Tax Board

Matuto tungkol sa pinahabang deadline para maghain at magbayad ng buwis sa kita ng negosyo sa County ng Los Angeles. Ang bagong deadline ay Oktubre 15, 2025.

Paano makukuha ang serbisyong ito

Para maghanap ng mga lokal na serbisyo, tingnan ang LA Disaster Relief Navigator, na isang user-friendly na hub ng resource ng komunidad.