Mga sertipiko ng kapanganakan, kamatayan, at kasal (mga mahalagang rekord)
Sunog sa Los Angeles Ngayong 2025
Alamin kung paano palitan ang mga record mula sa California. Libre ang pagpapalit para sa mga record na nawala sa sunog. Ngunit kailangan mong magbayad ng bayad sa notaryo.
Kung ang kapanganakan, pagkamatay, o kasal ay naganap sa ibang estado, alamin kung paano makakuha ng mga record mula sa ibang mga estado(external link).
Mag-apply online
Gamitin ang mga form na ito para mapapalitan ang mga certificate na ibinigay sa California.
Libre ang pagpapapalit para sa mga record na nawala sa sunog.
-
I-click ang link sa record na kailangan mo para magsimula ng application (kapanganakan, kasal, o pagkamatay).
- Puwede mo itong sagutan sa online at i-save ang iyong gawa.
- Kung mag-a-apply para sa ibang tao, maghandang mag-upload ng dokumentasyon na magpapatunay sa iyong kaugnayan.
-
Lagdaan at i-upload ang isang sinumpaang salaysay kasama ng iyong application.
- I-click ang I-print at Lagdaan para i-print ang application. Dalhin ito sa isang notaryo publiko.
- Sa presensya ng notaryo, lagdaan ito sa personal. Pagkatapos ay nonotaryohan nila ito.
-
I-scan o kunan ng larawan ang ninotaryohang aplikasyon, pagkatapos ay bumalik at i-click ang I-print at Lagdaan.
- Puwede kang gumamit ng isang ninotaryohang salaysay para sabay-sabay na mag-apply para sa higit sa isang record.
-
Sundin ang mga tagubilin para ma-upload at maisumite ang iyong application.
- Puwede mo ring isumite ito sa pamamagitan ng fax.
Mga online na form
Kapanganakan
- Record ng kapanganakan(external link) (English)
- Registros de nacimiento(external link) (Español)
Kasal
- Record ng kasal(external link) (English)
- Registro de matrimonio(external link) (Español)
Pagkamatay
- Record ng pagkamatay(external link) (English)
- Registro de defunción(external link) (Español)
Mag-apply sa pamamagitan ng koreo o email
-
I-print ang application para sa record na kailangan mo.
- Available sa California Department of Public Health(external link) ang mga PDF na bersyon.
- Sagutan, ipanotaryo, at ipadala ito sa pamamagitan ng koreo ayon sa mga instruksyon.
Mag-apply nang personal
Bumisita sa isang Disaster Recovery Center. O pumunta sa tanggapan ng county recorder(external link) sa county kung saan nangyari ang kapanganakan, kasal, o pagkamatay.