Paglilinis at pag-aalis ng kalat
Sunog sa Los Angeles Ngayong 2025
Ang paglilinis at pag-aalis ng kalat pagkatapos ng mga wildfire ay isang proseso na may 2 yugto. Puwede mo itong ipagawa nang libre.
Kapag kumpleto na ang parehong yugto, handa na ang iyong ari-arian para sa muling pagpapatayo.
Paglilinis ng mapanganib na basura
Sa Ika-1 Yugto, nilinis ng U.S. EPA ang mga pang-araw-araw na produkto na nasa iyong tahanan at puwedeng maging mapanganib.
Kabilang sa mga ito ang:
- Mga baterya
- Mga panlinis at solvent
- Mga fertilizer at pesticide
- Mga pintura at langis
- Mga propane tank at iba pang pressurized na produkto
Tapos na ang paglilinis ng Ika-1 Yugto. Awtomatiko ito para sa lahat ng residensyal na ari-arian.
Libre para sa iyo ang paglilinis na ito.
Paliwanag sa mga status ng paglilinis
Pagkatapos ma-assess ng EPA ang iyong ari-arian, binigyan nila ito ng status.
Ipinaskil nila ang status na iyon sa isang karatula sa iyong ari-arian.
Puwede mo ring tingnan ang mapang ito ng EPA para sa status ng paglilinis ng iyong ari-arian.
Tapos na ang Ika-1 Yugto
Ang ibig sabihin ng status na ito ay natapos na ng EPA ang kanilang paglilinis.
Gayunpaman, posibleng hindi pa rin ligtas ang iyong ari-arian. Puwedeng mayroon pa ring
- Mapanganib na basura na nakabaon
- Mga panganib sa kalusugan tulad ng abo at asbestos
Ipinagpaliban sa Ika-2 Yugto
Ang ibig sabihin ng status na ito ay hindi ligtas na malilinis ng EPA ang iyong ari-arian hanggang sa maalis ang kalat.
Lilinisin ito sa Ika-2 Yugto.
Pag-aalis ng kalat
Kung pipiliin mo ang libreng pag-alis ng kalat sa Ika-2 Yugto, aalisin ng U.S. Army Corps of Engineers (USACE) ang mga estruktural na kalat.
Kabilang dito ang:
- Mga napinsalang pundasyon
- Mga nasirang sasakyan
- Mga puno na mapanganib
- Kontaminadong lupa
- Asbestos
- Abo
Basahin ang dapat na asahan sa Ika-2 Yugto.
Tingnan ang progreso ng gawaing ito sa mapa ng pag-aalis ng kalat ng USACE.
Saan napupunta ang kalat
Itatapon ng mga manggagawa ang mga kalat sa paraang napoprotektahan ang kalusugan ng publiko at ang kapaligiran.
Alamin pa sa Mga Kalat mula sa Wildfire sa Mga Landfill ng CalEPA.
Ang deadline para sa libreng pag-aalis ay Abril 15
Ang deadline para pumili ng opsyon sa pag-aalis ng kalat ay Abril 15, 2025. Ang mga opsyon ay:
Kung nag-opt in ka
Walang gastos mula sa iyong bulsa para sa serbisyong ito. Kung may insurance ka, sisingilin ang iyong insurer.
Sa panahon ng libreng pag-aalis ng kalat, aalisin ng USACE ang mga mapanganib na puno. Ngunit maaari mong hilingin sa kanila na huwag alisin ang mga tiyak na puno.
- Tungkol sa proseso ng waiver
- Paliwanag sa mga marka ng puno
- Form ng waiver (PDF)
Kung nag-opt out ka
Kailangan mong ayusin at bayaran ang pag-aalis ng kalat.
Kailangan mong:
- Mag-arkila ng lisensyadong specialized na kontratista
- Makakuha ng pag-apruba at pahintulot mula sa County ng LA
- Mag-hire ng sertipikadong consultant para maipatingin kung may asbestos ang iyong ari-arian
- Tiyaking sinusunod ng iyong kontratista ang lahat ng panuntunan ng gobyerno para sa ligtas na pag-aalis ng kalat
Alamin ang higit pa tungkol sa proseso ng pag-opt out at kung ano ang susunod na gagawin.
Kung hindi mo natugunan ang deadline
Kung hindi mo natugunan ang deadline para mag-opt in o out, aalisin pa rin ng County ng LA ang mga kalat sa iyong ari-arian. Ngunit kailangan mong bayaran ang buong halaga ng pag-aalis.
Kung gusto mong ayusin ang pribadong pag-aalis ng kalat, maaari mong subukang magsumite ng form para sa pag-opt out sa County ng LA pagkatapos ng deadline. Ngunit maaaring hindi nila tanggapin ang mga form para sa pag-opt out pagkatapos ng deadline.
For questions about what happens if you missed the deadline, call the LA County Public Works Debris Removal Hotline at 844-347-3332 (TTY: 711).
Kung kailangan mo ng tulong
Mga tanong tungkol sa paglilinis sa Ika-1 Yugto
Tawagan ang Ahensya ng Proteksyon sa Kapaligiran (Environmental Protection Agency, EPA) sa 833-798-7372 (TTY: 711)
Mga tanong tungkol sa pag-aalis ng mga kalat sa Ika-2 Yugto
- Tawagan ang Hotline ng LA County Public Works Debris Removal sa 844-347-3332 (TTY: 711)
- Mag-email sa PalisadesFire@dpw.lacounty.gov o EatonFire@dpw.lacounty.gov