Mga hakbang sa muling pagpapatayo
Sunog sa Los Angeles Ngayong 2025
Tingnan ang mga pangunahing hakbang na dapat isagawa kapag muling ipapatayo ang iyong tahanan.
Maghain ng mga claim sa insurance
Kung mayroon kang insurance, maghain ng claim ngayon.
- Tiyaking idodokumento at susubaybayan mo ang lahat ng gastusin sa muling pagbangon.
- Posible ring sagutin ng iyong insurance ang 4 o higit pang buwan na upa para sa pansamantalang pabahay.
-
Kung kailangan mo ng tulong sa mga claim sa insurance,
- Humingi ng tulong sa Department of Insurance, o
- Tumawag sa 1-800-927-4357 o TTY: 711.
Makakuha ng pera para muling magpatayo
Puwede kang maging kwalipikado para sa pinansyal na suporta para matulungan kang muling magpatayo.
- Lumipas na ang huling araw ng pag-apply para sa tulong sa sakuna ng FEMA (Marso 31, 2025).
- Lumipas na rin ang huling araw ng pag-apply para sa loan sa sakuna mula sa Small Business Administration (Marso 31, 2025).
- Makipag-ugnayan sa iyong mortgage lender para sa relief sa mortgage. Tingnan ang listahang ito ng mga kalahok na lender.
Magpasya kung paano mag-aalis ng kalat
- Mag-opt in sa libreng pag-aalis ng kalat mula sa gobyerno hanggang Abril 15, 2025.
- Kung hindi ka mag-opt in, kakailanganin mong magbayad para sa pag-aalis ng kalat mula sa isang pribadong kontratista.
- Matuto pa tungkol sa pag-aalis ng kalat.
Mag-hire ng kontratista
- Tiyaking gagamit ka ng kontratistang lisensyado ng estado.
- Kumuha ng nakasulat na kontrata.
Mag-apply para sa mga permit
- Puwede kang magsumite ng iyong mga plano at mag-apply para sa mga permit sa pagpapatayo ngayon. Hindi mo kailangang maghintay hanggang sa matapos ang pag-aalis ng kalat.
- Puwede ka ring mag-apply para sa mga permit sa personal sa mga One-Stop Permit Center. Magpa-appointment.
-
Puwede kang mag-apply para maglagay ng pansamantalang pabahay sa iyong ari-arian.
- Magbibigay lang ng permit pagkatapos ng pag-aalis ng kalat sa iyong ari-arian sa Ika-2 Yugto.
-
Alamin pa ang tungkol sa mga permit, kabilang ang tungkol sa
- Mga muling pagpapatayo ng parehong laki sa parehong lokasyon
- Pansamantalang pabahay
- Mga mapa ng zoning
- Mga bayarin
Simulan ang konstruksyon
Puwede kang gabayan ng iyong kontratista sa proseso ng konstruksyon.